You are currently viewing 𝐒𝐀𝐌𝐏𝐔𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐄𝐋 𝐍𝐈𝐍̃𝐎

𝐒𝐀𝐌𝐏𝐔𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐄𝐋 𝐍𝐈𝐍̃𝐎

“𝙋𝙖𝙬𝙞𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙪𝙝𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙥𝙬𝙖.”
~ Mateo 25:35

𝟭.) 𝗠𝗮𝗴𝘁𝗶𝗽𝗶𝗱 𝘀𝗮 𝗧𝘂𝗯𝗶𝗴
– Gumamit lamang ng sapat para sa pagligo at paghugas. Ayusin ang mga tumutulong gripo at i-recycle and tubig pambuhos sa palikuran.

𝟮.) 𝗜𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗶𝘁
– Limitahan ang gawain sa labas mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM upang maiwasan ang heat stroke. Manatili sa malilim na lugar at gumamit ng payong at pamaypay.

𝟯.) 𝗠𝗮𝗴-𝗶𝗺𝗯𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗘𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗞𝗶𝘁
– Maghanda ng non-perishable food, first aid kit, gamot, flashlight, at power bank sakaling magkaroon ng brownout. Mag-ingat sa panganib ng sunog at tiyaking may numero ng emergency hotlines.

𝟰.) 𝗠𝗮𝗴𝘁𝗶𝗽𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝗞𝘂𝗿𝘆𝗲𝗻𝘁𝗲
– I-set ang aircon sa 24°C-26°C, gumamit ng electric fan, at i-unplug ang mga hindi ginangamit na appliances.

𝟱.) 𝗦𝘂𝗯𝗮𝘆𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮
– Sundin ang mga abiso ng PAGASA, NDDRMC, DOH, at LGU ukol sa heat index, suplay ng tubig, at sunog. Huwag agad maniwala o magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon sa social media.

𝟲.) 𝗠𝗮𝗴-𝗶𝗺𝗯𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘂𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗧𝘂𝗯𝗶𝗴
– Maghanda ng malinis at may takip na lalagyan ng inuming tubig. Itago sa malamig na lugar malayo sa direktang sikat ng araw.

𝟳.) 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻
– Uminom lagi ng tubig, bitamina, at kumain ng mga prutas at gulay na may mataas na water content tulad ng pakwan at pipino upang lumakas ang resistensiya.

𝟴.) 𝗜𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻
– Buksan ang mga bintana para sa bentilasyon, gumamit ng kurtina laban sa sikat ng araw, at maglaan ng preskong pahingahan.

𝟵.) 𝗔𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗛𝗮𝘆𝗼𝗽 𝗮𝘁 𝗛𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻
– Bigyan ng malamig na tubig ang mga alagang hayop at magdilig tuwing madaling araw o dapit-hapon.

𝟭𝟬.) 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗧𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝘄𝗮
– Ipagdasal ang mga apektado at samahan ito ng konkretong pagtulong sa kapwa. Magbahagi sa mga kapuspalad at ipanalangin ang magandang panahon.

“𝙈𝙖𝙥𝙖𝙡𝙖𝙙 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙞𝙩𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣…
𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙢𝙗𝙖 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙖𝙧𝙤𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙜𝙩𝙪𝙮𝙤𝙩.”
~ Jeremias 17:7-8

Leave a Reply